kanta.

Nakikinig ako ngayon ng Officially Missing You ni Tamia.

Minsan, sa mga ganitong pagkakataon, kanta na lamang ang tanging sandata ko upang masabi ko kung ano nararamdaman ko.

Hindi tao ang namimiss ko. Seton. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaganito ako. Siguro dahil sa LPEP. Parang iba. Iba yung feeling na papasok ka sa isang eskwelahan ng wala kang kakilala sa klase mo. Bago lahat.

Sa Seton, bawat pasukan na papasok, hindi ako nangangambang baka walang kumausap sakin o ano pero ngayon, nandoon ang feeling na baka walang makapansin sayo.

Pero bahala na. Kaya ko talaga ‘to. Pang ilang post ko na to tungkol sa kolehiyo. Napaka-atat ko. Haha.

~ by lumilipad on May 17, 2008.

One Response to “kanta.”

  1. “Siguro dahil sa LPEP. Parang iba. Iba yung feeling na papasok ka sa isang eskwelahan ng wala kang kakilala sa klase mo. Bago lahat.”

    —yup, parehas tayo,, nakakakaba nga…

Leave a Reply