http://lumilipad.web44.net/blog
lumipat na ako kaagad.

Nakikinig ako ngayon ng Officially Missing You ni Tamia.
Minsan, sa mga ganitong pagkakataon, kanta na lamang ang tanging sandata ko upang masabi ko kung ano nararamdaman ko.
Hindi tao ang namimiss ko. Seton. Hindi ko alam kung bakit ako biglang nagkaganito ako. Siguro dahil sa LPEP. Parang iba. Iba yung feeling na papasok ka sa isang eskwelahan ng wala kang kakilala sa klase mo. Bago lahat.
Sa Seton, bawat pasukan na papasok, hindi ako nangangambang baka walang kumausap sakin o ano pero ngayon, nandoon ang feeling na baka walang makapansin sayo.
Pero bahala na. Kaya ko talaga ‘to. Pang ilang post ko na to tungkol sa kolehiyo. Napaka-atat ko. Haha.
Tanghali na ng gumising ako kanina. Nagulat ako kasi hindi ako ginising ng mga alas-9 ng umaga para kumain ng almusal. Alas-10 y medya na ako nagising. Bumangon, hinananap ang remote ng TV at nilipat sa Channel 08 (ABS-CBN).
Pagkalipat ko doon, nagsasalita sa Sheryl Cosim tungkol sa strike. Kahapon, strike. Ngayon, strike. Sabi ng nanay ko na hindi naman kami naapektuhan noon dahil nasa Las Pinas naman daw kami. Hindi ko nilagay sa utak ko iyon dahil hindi nako dito mabubuhay. Sa Maynila na ako mabubuhay at maaapektuhan na ako noon.
Sinabi sa balitang iyon na hindi nagtagumpay ang mga transport groups sa isinagawa nilang strike dahil may ilan paring pumasada ng araw na iyon.
Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan pa nilang mag-strike para lang taasan ang pamasahe o babaan ang gasolina. Alam nating lahat na naririnig ng gobyerno ang kanilang kagustuhan pero nagbibingi-bingihan sila dahil hindi nila alam kung paano bibigyang kalutasan ang problema nila.
Sa pagsastrike na ginawa nila, maraming hanapbuhay ang natigil at maraming pasahero ang naperwisyo nila. Sana kung sa ginawa nilang pagsastrike ay tumigil din ang trabaho, pasok at mga opisina. Eh, hindi eh. Gumambala pa sila ng libo-libong tao.
Sa pagsastrike na’to, nangangahulugan lang na ang gobyerno natin, walang paki sa kanyang mga mamamayan (Oo, anti-GMA ako). Kasi kung may pakialam siya, matagal na niyang sinabi ang dahilan kung bakit hindi maitaas-taas ang pamasahe o kung bakit hindi mapigilan ang pagtaas ng gasolina. CORRUPT siya!
Kaya hindi umuunlad Pilipinas e. Kaya maraming umaalis. Tapos magrereklamo na wala ng nagtitigil dito sa Pilipinas.
LPEP – LaSallian Personal Effectiveness Program
Noong Mayo 7 at 8, ang buong College of Computer Studies ay nagkaroon ng LPEP. Ito ang tawag sa kadalasang freshmen orientation ng ibang mga unibersidad. Ang LPEP ay pinapangunahan ng mga LaSallian Ambassadors o LAmbs kung tawagin.
Dalawang araw ito at sa dalawang araw na ito, nasiyahan ako dahil ito ang nagpatunay na ako ay isa ng Lasalyano.
Nakasama ko agad ang block ko at sa tingin ko naman ay may makakasundo naman ako sa kanila. Ang LAmbs namin ay sila Ate Linette at Kuya Aldrich. Okay sila dahil sila buhay namin dahil ang tahimik ng block ko. Pero naniniwala akong maingay sila. Bigyan lamang sila ng kakaunting panahon. Oo, sila ang ginamit ko. Bakit? Kasi madaldal na ako at alam ko iyon.
Libre pagkain at inumin. Nature’s Harvest FAB! Iyan ang nag-sponsor ng aming mga inumin ng dalawang araw. Masarap naman. Lasang juice.
Tinuro ang Alma Mater Hymn, DLSU Cheers at ang mga dasal. Nakakapanibago lang at hindi na:
Leader: Mother Seton,
People: Pray for us!
Leader: God has done great things for us.
People: May God be forever praised. Alleluiah!
Isa pang nakakapanibago, hindi na:
In gold and green our banner waves
Amidst the crimson skies
As thousand melodious voices sing
Sweet hymn of unending pride
Across the fields and mountains roar
Strains(?) of care unending
For alma mater dear
Deep love and joy abounding
Each day, we’ll sing this sweet refrain
Unshaken and forever eal
We mightly(?) pledge with all our heart
Your name to fondly cherish.
Sa lahat ng pagbabago, mayroong hindi nagbago. Ang kulay LUNTIAN.
Balik ako sa simula. Balik sa wala. Balik sa walang buhay na pangalan. Oo, noong nasa sekondarya ako, may nakadikit na kung anu-ano sa pangalan ko, maganda man o hindi. Ngunit ngayong pagpasok ko sa mga pintuan ng La Salle, walang karugtong ang pangalan ko. Hindi nila ako kilala. Hindi nila alam kung saan ako magaling at kung saan ako mahina. Hindi nila alam kung kailan ako naiinis at kung kailan ako masaya.
At higit sa lahat, hindi nila alam na MADALDAL ako.
Pero sa lahat ng mga natutunan ko nung araw na iyon, ang pinakaimportanteng nailagay ko sa utak ko at malamang pati sa sarili ko, gagawin ko kung ano at sino ako. Hindi magpapanggap, hindi magkukunwari. KAYA KO ‘TO!
s20 nga pala ang block ko. Ayokong ilagay dito ang litrato namin dahil hindi ako sinama noong taong humawak ng telepono ko.
sa isa pang pagkakataon, muli kong binuhay ang aking buhay blogger.
naisipan kong lumipat sa wordpress sa kadahilanang ‘wala lang’. nagandahan ako sa mga pwedeng gawin sa kanya ngunit gusto kong matutunan ang paggawa ng isang hosted wordpress blog. para mas advance ngunit pinapagaralan ko pa ang mas malalim na pag-unawa ang php.
lumilipad. ang salitang iyan ay madalas kong marinig sa awit ng project 1. natutuwa ako sa mga ibig ipahiwatig na paglipad. ang pagtaas, kasiyahan, at kung anuano pa pwedeng ilinya sa salitang ito. ngunit sa lahat ng kasiyahan, may kalungkutan at sa lahat ng pagtaas, may pagbaba. sa tuwing ako’y lumilipad, hinahayaan kong ipagaspas ko ang aking mga pakpak ng malakas na malakas upang makalipad ng pagkataas-taas ngunit alam ko ang oras ng aking pagbaba kung kaya’t sa aking pagbaba, hindi ko hinahayaang hindi ko ipinapagaspas ang aking pakpak subalit, mabagal sa nakasanayan ang aking pagpagaspas upang hindi ako bumagsak ng tuluyan.
samahan mo ako sa aking mga gagawing paglipad pataas at pababa ngayong susunguin ko ang buhay kolehiyo.